Ragnarok, A Poem

Here’s a great, original poem from an RO player.

Credit goes to Michael G. Mercado. Nice work! Woot! Special thanks also to my RO Brand Manager, Ryan Sacares for sharing it with me.

The poem after the jump…

Ragnarok – by Michael Mercado

Nang una kang makilala
Ako’y nabigyan ng Pag-asa
Tila lahat ng tinik ay naglaho sa puso’t isipan
Habang pahanohon ay lumipas kaligayahan nakita

Maging sa unos sa buhay ika’y aking sandigan
Maging sa pag-aaral pag-asa nasa iyo
Maging ang lahat Na di KO maunawaan ay pinamulat mo sa amin
Paninindigan at lakas ng loob ay tinuro mo sa amin

Dahil sayo naging matapang kami
Dahil sayo nakilala ko ang sarili naming
Dahil sayo binuhay mo kami
Dahil sayo naniwala kami

Sa lahat ng kumpetisyon ikaw ang aking sandata
Sa lahat ng tao ikaw aking ipinakilala
Sa lahat ng tao ikaw pinagmalaki
Sa lahta lubos na nagtiwala sayo

Ikaw ang naging simbolo ng pagkakaibigan
Ikaw din ang naglapit ng puso namin para sa iba
Ikaw din nagsabi namagtiwala ako sa kanila
Lahat ng yan kumatas ng katotohanan

Oh” Ragnarok maraming salamat sayo
Ang pagkakaisa, pag-asa, karunungan, at pagkakaibigan
Ang mga bagay na di namin makakalimutan
Na tinuro mo sa aming lahat na maglalaro

Ngunit nasagi sa aking isipan tila lahat ay papuri
na lamang aking nilalahad tungkol sayo
Di-ba’t lahat ng nilikha sa mundong ibabaw ay maganda
Ngunit kung iisipin sinilang ang tao ng may kasalanan
Maging ikaw din ay nilikha ng may kasalanan

Kabataan ang una mong hinanap na iyong tigasunod
Maging ilang nakakatanda ay iyong napasunod
Habang tumatagal binibigyan mo sila ng sakit
Sakit na pagkahumaling at nakakahawa sa nakakakita

Gumalaw kami sa mundo mong ipinakilala
Ngunit nakita ko ang liwanag at dilim
Sa mundong pinakilala mo sa amin
Ngunit ang dilim ay labis nangibabaw sa karamihan ng iyong mga tigasunod

Ngayun tingnan mo ang lahat
Kasakiman, mapanglamang o pandaraya, kapanyarihan nais, ingit o ganid,
Pagnanakaw, paglakalason, at paglayo
Ilan lamang ang mga ito sa katotohanan makikita sa mundo ng Midguard

Labis ako nalumbay sa tuwing may iiyak
Nawawalan ng pag-asa, kalungkutan at paghihinayang
Sa panahon ginugol sayo
Pati pinakakamamahal ko aking napabayaan
Ngunit iniwan na ako na dahil sa pagpili ko sayo
Maging ang mga kaibigan na tila maamong kung nakaharap sayo ngunit subukan mong tumalikod malalaman mo nalang na masama kana sa lipunan
Ilan lamang ang mga eto sa dilim ng katotohanan na di lumalayo sa mundo naming kinagisnan dito sa lupa

Ang lahat ay pare-pareho lamang reyal na buhay at sinasabing ito’y isang uri laro lamang pero isipin mo ang pagkawangis ay trahediya lamang ba o talagang may pagkakalintulad na tinadhana
Hindi pa huli ang lahat sapagkat
Kung may dilim tiyak na may magsisindi ng isang kandila upang magliwanag samin lahat dasal lamang naming na sana ang liwanag ng kandilaay matunghayan naming upang ang dilim ng katotohanan ay unti-unting maglaho sa iyong mga tigasunod

 ===

I love it! Ragnarok is truly MORE THAN A GAME. Thanks for this, Michael. Panalo!

O tara, Balik Ragna na!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...


  • PAULO

    GM Tristan, yeah! maganda nga ung tula…at uu gusto namin magbalik ragna, pero wala ng net cafe dito sa DAVAO na nag uupdate ng ragnarok..iilan na lang…CLICKERS na lang ata ang alam ko…

    ewan ko din, y di gumagana ang patcher ng ragnarok sa NET EXPRESS davao…if you can make a way with this one po sana, kasi net express pa naman ung isa sa mga pinakamalaking net cafe group sa DAVAO, thank you po.

    I just had my first siege after 2 years last saturday…nag enjoy ako, naaadek na naman ako, wahahaha…

  • PAULO

    Sa lahat ng nakilala
    ikaw ang totoo,
    Sa lahat ng sinubukan
    Sa ‘yo ako nasiyahan
    Anung bang taglay mong ganda
    At ika’y kahali-halina.

    Ipinakita mo sa akin ang mundo
    na di ko pa kailanman nasilayan.
    Dinala mo ako sa mga lugar na
    Di ko pa napupuntahan.
    Tinuro mo sa akin ang mabuhay,
    Mabuhay ng marangal at may paggalang sa iba.

    Sayo ko nakita
    ang aking mga kaibigan.
    Sa’yo ko naipakita
    Ang tunay kong katauhan.
    Wala ng papalit sayo,
    dito sa puso ko
    kailan man ikaw ang nag-iisang RO ko.

  • Chris

    Nabuhay akong takot at mahina
    Pang-aapi nila saki’y wala akong magawa
    Inosente, mababaw at duwag na kalooban
    Sadyang malupit ang tunay na mundong ating ginagalawan

    Hanggang sa ika’y aking makilala
    Sinubukan, sinuri
    ako’y napuno ng pagtataka

    Ika’y naging bukang bibig ng buong madla
    RAGNAROK! RAGNAROK!
    ang sabi nila

    Kaya’t tinikman ko ang prutas na inilantad mo
    Ano Ito!? Kakaiba!
    Anong saya ang nadama ko

    Pumasok ako sa mundong nilikha mo
    Minahal kita ng lubusan at minahal mo rin ako
    Itinatak sa isipan ang mga aral na iyong inalay
    Sandyang malupit ang buhay at kailangang maging matibay

    Ngunit dumating ang araw na ika’y aking lilisanin
    Aral at karanasan ang naging pabaon mo sa akin

    Ang dating ako na naging alipin ng takot at kahinaan
    Ngayo’y naging matatag at punung puno ng kasiyahan

    Handa na akong sumabay sa agos ng buhay
    Kailanma’y sa puso ko
    RAGNAROK hinding hindi ka mawawalay.

  • http://www.facebook.com/people/Michael-Mercado/100000293307646 Michael Mercado

    wow d ko alam nakalagay pala d2 ang akin gawa ah


Buy VerizonCell Phones and Save. | Thanks to Bank Rates & Reviews, CD Rates and UK Loan