“Love Potion”: 2nd Placer in LU Writer Contest

May 30, 2007 · Filed Under General, Level Up, Contests, Ragnarok 

Hi! Here’s the full winning entry of Ronel Mendoza (of Albay, Bicol) for the Level Up Search for the Feature Writer Contest.

Ronel won 2nd place (and P5,000!) for his entry “Love Potion”. Congrats to Ronel! Woot!

“Love Potion” complete essay (in tagalog) after the jump…

Ang akala ko ay napakadaling mabuhay. Ngunit noon iyon ng hindi pa namamatay ang aking mga magulang mula sa digmaan laban sa mga halimaw. Ako nga pala si Juno. Tulad ng karamihan nagsimula ako bilang isang novice sa Midgard upang sundan ang yapak ng aking mga magulang sa pakikikpagsapalaran.

Hindi pala madaling maging isang newbie. Magsisimula ka ng walang-wala at una sa lahat hindi ako sana’y ng wala ang aking mga magulang sa aking tabi. Mabuti na lamang ay nandyan ang academia para sa mga baguhang katulad ko. Layunin ng academia na turuan ang mga baguhang tulad ko lalong-lalo na bago sila humarap sa mundo ng Ragnarok. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng academia. Mabuti na lang andyan si Shion upang gabayan ang mga baguhang tulad ko upang makita ang akademia at huwag maligaw sa Midgard. Nagpalista ako sa receptionist at akalain mo ba naming bigyan pa nya ako ng 50z allowance! Pagpasok ko ay nakilala ko ang iba’t-ibang guro na gumabay at nagturo sakin sa loob ng academia.ang masaya sa akademiang ito ay kapag katapos mong makinig sa kanilang mga aralin ay bibigyan ka nila ng gamit.nang matapos ko ang aking mga aralin, sinubukan nila ako sa kabilang silid. Binigyan ako ni Kane ng pagsubok na kung saan kalian kong makatawid sa kabilang kastilyo ng hindi napapatay ng mga halimaw upang doon ay aking kunin ang huling pagsusulit. Kinabahan ako sapagkat iyon ang una kong pakikipagharap sa mga halimaw. Paglabas ko ng kastilyo ay sumalubong sa akin ang napakagandang tanawin na puno ng iba’t ibang uri ng halimaw na sa Midgard lang makikita. Natakot ako ng lusubin ako ng isa sa kanila. Isa itong kulay berdeng uod na karaniwang tinatawag nila sa pangalang Fabre. Natakot ako sapagkat hindi ko alam ko ano ang aking gagawin. Nilapitan niya ako at sinaktan. Nandiri ako sa kanya at agad ko siyang pinaghahampas ng aking knife hanggang sa siya ay mamatay. Naghulog siya ng fabre card na labis kong ikinatuwa ngunit ni-loot ni Poring ang fabre card ko. Nagalit ako at pinaghahampas ko rin siya ng aking knife hanggang sa magpirapiraso siya. Agad kong kinuha ang fabre card na nasa kanya at sinilid ko ito kaagad sa aking bag. Marami pa akong nasalubong na fabre sa daan at tulad ng inaasahan nilusob nila akong lahat. Ngunit hindi ako nagpatalo, lahat sila ay pinaghahampas ko rin at sa kabutihang palad, ako ang nagwagi sa kanilang lahat. Ligtas akong nakarating sa kabilang kastilyo. Doon ay nakilala ko si Kuya Bruce na siyang nagturo sakin tungkol sa iba’t-ibang job sa Midgard. Ilang hakbang lang mula sa kanya ay si Kuya Hanson na siayng magbibigay sa akin ng huling pagsusulit. Hindi ko inaasahan na magiging choosing type ang exam ni kuya at naloka rin ako sa mga tanong dahil ang inaasahan ko ay yung mga itinuro sa akin ng aking mga guro sa loob ng academia at lahat ng mga natutuhan ko. Nang matapos ang pagsusulit doon ko lang nalaman na gusto palang iassess ni kuya ang mga kakayahan, kagustuhan at katangian ko upang malaman niya ang nababagay saking job. Pinayuhan niya akong maging Mage. Isang job na may kakayahang gumamit ng kapangyarahang pang-elemental. Sinunuod ko ang kanyang payo sapagkat iyon din ang job ng aking ina dati bago pa siya magbago sa pagiging Sage. Binigyan niya ako ng mga karagdagang gamit para sa aking paglalakbay bago niya ako papasukin sa portal papuntang Geffen.

Sa Geffen ay nakilala ko si Anna. Siya ang job master ng Magician Guild. Muli ay sinubukan ako roon. Ipinatimpla sa akin ni Anna ang solusyon upang maging mamahaling bato. Agad kong hinanap ang mga kinakailangan kong gamit matapos kong ilista ang mga iyon sa isang kapirasong papel. Inumpisahan kong maghanap sa field ng Geffen. Nakakuha ako ng maraming fluff at jellopy mula sa mga fabre at poring na nandoon. Kumakalaban ako ng isang poring ng may isang Knight na nakasakay sa Peco-Peco ang lumapit at hinampas ng malakas ang poring. Muntik niya na akong matamaan at mapatay sapagkat sobrang lapit k okay poring nung mga oras na iyon. Sinigawan ko siya ngunit hindi siya sumasagot. Ang mga mata niya ay parang tulala at bigla na lang siyang nagteleport ng nilapitan ko na siya. Bot pala ang mokong! Naiinis ako sa mga taong kagaya niya. Nakuha ko na ang mga kinakailangan kong gamit. Nung tignan ko sa king listahan may nakalimutan pa pala akong isa, ang payon solution na makukuha sa Payon. Ngunit hindi ko alam kung paano makakarating doon. Wala akong hawak na mapa upang makita lugar ng Payon doon kya nagtanong na lang ako sa guard ng Geffen at itnuro ako kay Kafra.pumunta ako kay Kafra at nagtanong. Napagalaman ko na kailangan kong magbayan ng1,200z para sa warp service papuntang prontera at karagdagang 1,200z papuntang Payon. Ngunit pwede ko rind aw gamitin ang mga warp tickets ko na nakuha ko mula sa academia. Meron lamang akong limang ticket kaya kailangan kong tipirin ang mga iyon. Nagulat ako sa dami ng tao sa prontera at muntik pa nga akong maligaw. Mabuti nalamang ay nakita ko ulit si Kafraat nagpateleport na ako  papuntang Payon. Pagkarating ko sa Payon ay namagha ako sa sobrang laki ng lugar. Ngunit katambal nito ang pagkakaroon ko ng napakalaking problema. Hindi ko malaman kung saan ako kukuha ng Payon solution. Sa tingin ko nga nung mga oras na iyon ay naliligaw na ako. Hanggang sa makilala ko si Arg0. nalove at first sight ata ako sa kanya sapagkat nung tinanong niya ako kung may problema ako ay hindi akagad ako nakasagot kundi ako ay naptulala. Isa siyang swordie tulad ng magiting kong ama bago siya magbago sa pagiging Crusader. Binangit ko sa kanya ang tungkol sa Payon solution at sinamahan niya ako sa Archer Village. Salamat sa aking prince charming at nakakuha ako ng payon solution. Sinamahan niya rin ako pabalik ng Magician Guild. Inalalayan niya ako sa pagtimpla ng mga ingredients. Ihinulog kong lahat ng ingredients sa mixing machine ng Magician Guild. Nagulat ako sa kinalabasan ng solution. Isang berdeng nakakadiring solusyon na dapat sana ay isang mamahaling bato.umiyak ako ng todo sapagkat nabigo ako sa aking pagsubok. Nilapitan ako ni Arg0 upang ako ay patahinin. Sinubukan niya rin akong patawanin ngunit pagkalungkot ang mas nanaig sa akin. Pero nung mga oras na iyon ay mas may kakaiba pa ako nadama. Hindi ko maintindihan sa aking sarili na nararamdaman ko na kinikilig ako sa nangyayari. Lumapit sa amin si Anna at sinasabing nakapasa ako sa pagsusulit. Nagulat ako at napatalon sa tuwa sabay yakap ng mahigpit kay Arg0.

Sa waks isa na akong ganap na magician. Mula rin ng mga araw na iyon ay hindi na ako nagisa sapagkat andyan si Arg0 upang lagi akong gabayan at tulungan. Sabay kaming nagpapalelevel up ng aking asawa sa ngayon. Oo, kinasal na kami ni Arg0 matapos niyang magtapat ng pagmamahal sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw mula ng hinalo ko ang chemical upang makabuo ng mga mamahaling bato sapagkat mas nagustuhan ko ang naging kalabasan ng aking solusyon. Ang pagmamahalan naming ni Arg0.

If you enjoyed this post, make sure you subscribe to my RSS feed!

Comments

Leave a Reply




.
Click Here Now

.
www.geekzkrieg.com